Dumipensa si Chinese Foreign Ministry spokesperson Guo Jiakun sa presensiya ng dambuhalang fishing research vessel ng China sa archipelagic waters ng Pilipinas.
Una nang sinabi ni dating US defense attaché Ray Powell ang pagdaan ng naturang barko na may pangalawang Lan Hai 101 patungo sa hilagang katubigan ng bansa.
Ayon kay Guo, ang presensiya ng China sa WPS ay ligal, nababatay sa kasaysayan at internaional practice.
Gayunpaman, iginiit ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea (WPS), Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, na muli nilang inisyuhan ng radio challenge ang naturang barko dahil sa dumaan na ito sa mismong teritoryo ng Pilipinas sa probinsya ng Palawan.
Ayon kay Trinidad, posibleng napadaan ang barko sa naturang karagatan dahil sa masungit na panahon ngunit kailangan aniyang tiyakin na aalis din ito sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.
Tiniyak naman aniya ng lulang Chinese personnel na ipagpapatuloy ng kanilang barko ang pagsunod sa mga karapatang salig sa innocent passage sa pamamagitan ng Philippine archipelagic sea lanes.
Nitong araw ng Lingo, Pebrero-9 ay namataan ang Lan Hai 101 sa layong 19.05 nautical miles ng Tinituan Island, Cuyo, Palawan.