-- Advertisements --
Nagbigay babala na rin ang China embassy patungkol sa pagpunta ng mga Chinese nationals sa Sri Lanka matapos ang pagpapasabog sa ilang simbahan at luxury hotels sa bansa noong Linggo.
Sa inilabas na pahayag ng Chinese embassy, kung sakali raw na mag pumilit ang mga Chinese nationals na tumuloy sa pagbisita sa Sri Lanka ay mahihirapan ang mga ito na magbigay ng epektibong tulong kaugnay sa paghihigpit ng seguridad sa nasabing bansa.
Maituturing ang China bilang isa sa pinaka-malaking investor ng bansang Sri Lanka.
Una ng naglaUna ng naglabas ng advisory ang US State Department na maging mapagmatyag ang mga American nationals sa Sri Lanka dahil hindi pa umano sigurado ang pagiging ligtas ng bansa sa mga posible pang pag-atake.