Handa raw gumanti ang China sa United States matapos taasan ni US President Donald Trump ang taripa ng mga produkto ng China na ipinapasok sa kanilang bansa.
Nagbunsod ito ng mas lalong umiinit na tensyon sa pagitan ng China at Estados Unidos kung saan sinusubukan ng dalawang bansa na magkaroon ng trade deal.
Ayon sa China’s Commerce Ministry, labis silang nagsisisi sa naging desisyon ng US ngunit umaasa raw sila na sa kabila nito ay magkakaroon pa rin ng kasunduan ang dalawang bansa upang maresolbahan ang nasabing isyu.
Bago rito ay nakipagpulong na si Chinese Vice Premier Liu He kina US Trade Representative Robert Lighthizer at US Treasury Secretary Stuven Mnuchin sa loob ng dalawang oras at inaasahan na ipagpapatuloy ang kanilang pag-uusap bukas.