-- Advertisements --
Pinaplantsa na ng China ang plano nitong pagganti sa Estados Unidos matapos nitong magpataw ng visa restriction sa ilang Chinese officials.
Ilang buwan nang binabalangkas ng China’s Ministry of Public Security ang mga patakaran na maglilimita sa abilidad ng kahit sinong empleyado o sponsor ng US intelligence services at human rights groups na magpunta ng China.
Ito ay matapos imungkahi ng United States ang mas mahigpit na patakaran para makakuha ng visa ang mga Chinese scholars noong Mayo.
Pinatawan ng visa restriction ang ilang Chinese officials na dawit umano sa iligal na pagkakakulong at pag-abuso sa Muslim minorities.