-- Advertisements --
Mariing kinondena ng China ang pag-atake ng mga raliyista sa dalawang Chinese sa Hong Kong International airport.
Una nang naglabas ang Hong Kong court ng injunction order upang ikulong ang mga nag-aalsa.
Inihalintulad din ng Chinese government ang kaguluhan sa Hong Kong bilang isang “act of terrorism.”
Ilang demonstrators naman ang humingi ng tawad gamit ang kani-kanilang social media dahil sa kaguluhan na nadadatnan ngayon ng mga turista sa kanilang lungsod.
Inamin ng mga ito na ang ginagawa umano nilang pangangalampag sa kanilang gobyerno ay nagdulot na ng malaking abala sa libo-libong pasahero.
Sa kabilang banda, ilang turista at OFW naman ang nagbahagi ng kanilang payo sa lahat ng ating kababayan na nais magtungo sa Hong Kong.