-- Advertisements --

Kinumpirma ng PhilippineCoast Guard (PCG) na sa kauna-unahang pagkakataon gumamit ang China ng Long Range Acoustic Device (LRAD) para i-harass ang ang barko ng Pilipinas a West Philippine Sea.

Ayon sa PCG karaniwan kasi gumagamit ang China ng waterr canons at mga delikadong manuevers para takutin ang mga barko ng Pilipinas.

Sa isang pahayag sinabi ni PCG spokesperson for the West Phil Sea Commodore Jay Tarriela gumamit ang China ng Long Range Acoustic Device (LRAD) na isang specialized loudspeakers na maaaring maglabas ng mataas na lakas ng tunog upang maging sanhi ng pinsala sa eardrums pati na rin ang permanenteng pagkawala ng pandinig.

Partikular na tinukoy ni Tarriela ang China Coast Guard vessel na may hull number 3103 ang gumamit ng LRAD para i-harass ang BRP Cabra (MRRV-4409) upang pigilan ang paglapit nito.

Sinabi ni Tarriela pinalitan ng CCG-3103 ang CCG-3304 upang iligal na magpatrulya sa bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Sa kabila ng pangha-harass ng China Coast Guard hindi nagpatinag dito ang BRP Cabra ng PCG.

Patuloy ang ginagawang hakbang ng BRP Cabra para maiwasan ang pagpasok sa coastline ng Zambales.

Patuloy din ang pagbibigay ng radio challenge ng PCG sa CCG at sinabing ang kanilang presensiya ay labag sa Philippine Maritime Zones Act, at United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).