Inanunsiyo ng China na magpapataw sila ng 34 percent na buwis sa lahat ng mga produkto mula sa America.
Ang nasabing anunsiyo ay matapos na ipatupad ni US President Donald Trump ang dagdag na taripa sa China na aabot sa 34 percent bukod pa sa naunang 20 percent na ipinataw noong nakaraang mga buwan na ngayon ay may kabuuang 54 percent.
Ayon sa Ministry of Finance ng China na ang nasabing panibagong buwis na ipapataw sa US ay magsisimula sa Abril 10.
Una na ring nagpataw ang China ng 15 percent na taripa sa mga inaangkat nilang coal at liquefied natural gas (LNG) mula sa US bilang ganti sa 10 percent na levies sa produkto ng China.
Kasabay din nito ay maghihigpit umano ang China sa export controls sa mga pangunahing minerals at businesses na naglilimita sa pakikipagpalitan sa US.
Una rito ay binatikos ni Trump ang China kung saan bigla umano silang nag-panick sa ipinataw niyang mataas na buwis.