-- Advertisements --

Inanunsiyo ng China ang kanilang pagganti sa US matapos na patawan ng 10 percent na taripa.

Ayon sa China na ang magpapataw sila ng 15 percent na taripa sa coal at liquefied natural gas products ganun din ang 10 percent na taripa sa crude oil, agricultural machinery at malalaking makina ng sasakyan na galing sa US.

Magsisimula ang nasabing pagpapataw ng panibagong taripa sa Pebrero 10.

Itinuturing pa ng China na magaan pa ang kanilang ganti kumpara sa ginawa ng US na nilahat ang mga produktong pinatawan ng 10 percent na taripa.

Kinumpirma rin ng White House na magsasagawa ng pag-uusap sin US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping.

Magugunitang ipinagpaliban ng US ng isang buwan ang pagpapatupad na ng 25 taripa sa Canada at Mexico matapos ang ginawang pag-uusap ng kanilang mga lider kay Trump.