-- Advertisements --
Nakahanda na umano ang China na ipadala sa Pilipinas ang donasyong 500,000 doses ng COVID-19 vaccines mula sa pharmaceutical company na Sinovac.
Sinabi ni National Task Force chief implementer Carlito Galvez Jr., hinihintay na lamang ng China na maparubahan ang aplikasyon ng Sinovac sa Food And Drug Administration (FDA) ng bansa para sa Emergency Use Authorization (EUA) nito.
Ayon kay Sec. Galvez, sa oras na maaprubahan ito, agad ita-transport sa bansa ang kalahating milyong doses ng bakuna na una nang ipinangako ni Chinese President Xi Jinping na tulong sa Pilipinas sa gitna ng pandemiya.
Maliban sa donasyong ito, inaasahan na darating rin sa bansa ngayong Pebrero ang unang batch ng Sinovac vaccines na binili naman ng Pilipinas.