-- Advertisements --

Sinigurado ni Vice Premiere Liu He na nakahandang tumulong ang China sa mga haharapin na problema ng United States na may kaugnayan sa pagkakapantay-pantay at mutual respect sa bansa.

Aniya, malaking tulong din umano kung tuluyan nang matitigil ang trade war sa pagitan ng dalawang bansa.

“The two sides have made substantial progress in many fields, laying an important foundation for the signing of a phased agreement,” saad ni Liu.

“Stopping the escalation of the trade war benefits China, the U.S and the whole world. It’s what producers and consumers alike are hoping for,” dagdag pa ng chief negotiator sa naturang trade talks.

Kasalukuyan nang inaayos ng dalawang bansa ang isang written agreement na magiging daan upang matigil na ang trade war na naging dahilan upang maapektuhan ang global market.

Ayon pa kay Liu, binabalak din daw ng China na mag-invest sa kanilang teknolohiya upang pagandahin pa ang kanilang ekonomiya.

“We’re not worried about short-term economic volatility. We have every confidence in our ability to meet macroeconomic targets for the year,” ani Liu.