-- Advertisements --
Binalaan ng China ang US na handa nila itong harapin sa anumang uri ng giyera.
Ayon kay Chinese Primier Li Qiang, na lahat ng uri ng giyera maging tariff war, trade war ay lalabanan nila ito hanggang sa dulo.
Kasabay din nito ay inanunsiyo niya na kanilang tataasan ang defence spending ng hanggang 7.2 percent.
Nais nilang ipakita na kahit mayroong banta ng trade war sa US ay hindi pa rin naaapektuhan ang kanilang ekonomiya.
Tuloy-tuloy din ang panghihikayat nila ng mga foreign investor sa kanilang bansa kaya hindi sila nababahala sa trade war ng US.
Magugunitang pinatawan ng US ng 20 percent na taripa ang mga produkto ng China na ibinebenta sa US habang sa Canada at Mexico ay mayroong 25 percent na pataw na taripa.