-- Advertisements --

Handang magpaabot ng humanitarian assistance ang China sa mga lugar sa bansa na apektado ng pinsalang iniwan ng magnitude 7 na lindol.

Nagpaabot din ng dasal si Chinese Ambassador Huang Xilian sa gobyerno ng Pilipinas at sa mamamayang Pilipino na naapektuhan ng tumamng malakas na lindol sa Luzon.

Inihayag din ng Chinese Ambassador na sa ilalim ng liderato ni Pangulong Marcos Jr, makakabangon muli ang mamamayang Pilipino mula sa iniwang pinsala ng lindol at makabalik sa normal na pamumuhay sa lalong madaling panahon.

Sinabi ni Huang na aantayin ng Chinese embassy ang impormasyon sa damage assessment o casulaties para sa isasagawang disaster relief.

Bagamat umaasa naman ang opisyal na walang maitalang casulaties, pinsala at kung sakali man ay kanilang gagawin ang lahat ng kanilang makakaya para makagbigay ng assistance.