Handang tulungan ng China ang Marcos administration sa pagtugon ng kakulangan at pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Ayon kay Chinese Ambassador Huang Xilian ito ay matapos na ianunsiyo ni President-elect Ferdinand Marcos Jr na kaniyang pansamantalang pamumunuan ang Department of Agriculture (DA) para matugunan ang severe food security sa bansa.
Aniya ang naging pag-uusap nina Chinese President Xi Jinping at President-elect Marcos Jr noong nakalipas na buwan ng nagpaabot ito ng pagbati ay isang testament aniya ng political determination ng daalwang bansa para magkaroon ng mas matatag na ugnayan.
Ayon naman kay Deng Jun, president of the Chinese Enterprises Philippines Association, mas mapapalakas pa ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at China pagdating sa agrikultutra sa pmamagitan ng paghikayat ng maraming mamumuhunan o investors at pag-introduce ng Chinese agriculture technologies.