-- Advertisements --
Magsasagawa na ang China ng malawakang crackdown sa lahat ng uri ng synthetic opiod fentanyl.
Kasunod ito ng panawagan ng US dahil sa pagtaas ng mga umaabuso nito.
Simula Mayo 1 ay ilalagay na sa controlled narcotic drugs ang lahat ng fentanyl-related substance.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng naipangako ng China sa isinagawang trade talks nila ng US noong Disyembre.
Nauna rito idineklara ni US President Donald Trump ang national emergency noong 2017 dahil sa dami ng mga namatay mula sa pang-aabuso ng nabanggit na painkillers.