Mismong tanggapan na ng foreign minister ng China ang nanawagan sa gobyerno ng Pilipinas para tuluyang i-ban ang lahat ng uri ng online gambling sa bansa.
Ito’y kasunod ng anunsyo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na pagsuspinde sa aplikasyon ng mga bagong offshore gaming companies.
Inihalintulad ni Chinese Foreign Minister spokesperson Geng Shuang sa kanser ang pagsulpot ng industriya ng offshore gaming.
Ikinatuwa ng tagapagsalita ang hakbang ng Pagcor kasabay ng pag-asa na magiging hudyat ito para hindi na umano madawit sa illegal employment ang mga Chinese.
“We have also taken note of the Philippine government’s announcement and appreciates it. We hope the Philippines will go further and ban all online gambling,” ani Geng sa isang press conference.
“We hope it will further strengthen law enforcement with China and jointly tackle criminal activities including online gambling and cyber fraud. This will help create an enabling environment for the development of bilateral relations and peace and stability in the region.”
Sa datos ng Pagcor, 58 Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang rehistrado.
Nasa halos 140,000 naman ang bilang ng foreign workers sa mga ito kung saan karamihan ay mga Chinese.