-- Advertisements --
Pinawi ng China na hindi Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) ang panibagong misteryosong viral pneumonia na dumapo sa ilang katao sa kanilang bansa.
Inalis din nila na isa itong bird flu at Middle East Respiratory Syndrome na nakaapekto sa 59 katao sa Wuhan City kung saan pito yito ay kinonsiderang kritikal.
Mahigpit din na gumagawa ng imbestigasyon ang mga opisyal ng China para matukoy ang panibagong uri ng virus.
Dahil sa nasabing virus ay naghigpit na ang ibang mga bansa kabilang na ang Pilipinas, Singapore at Hong Kong sa mga bumabiyahe lalo na ang mga galing sa China para matiyak na wala silang dalang sakit.
Sa pinakahuling ulat ng Wuhan Municipal Health Commission, mayroon ng 163 katao ang dinapuan na kanilang inoobserbahan na.