-- Advertisements --
Wala ng naitalang kamatayan ang China dahil sa coronavirus.
Ito ang unang pagkakataon ng sinimulan ang pagbibigay ng ulat noong Enero.
Ayon sa National Health Commission na mayroon silang bagong 32 na kaso.
Ang nasabing ulat ay kasunod ng batikos na natatanggap dahil sa umano sa ginagawang underreporting ng nasabing bansa.
Umaabot na sa 3,331 katao ang nasawi habang 81,740 naman ang nadapuan ng nasabing virus.
Nangangamba ang China na ang second wave ng infections ay maaring galing sa mga mamamayan nila na nagtungo sa ibang bansa.