Nabigo ang Azkals laban sa China, 2-0 sa joint qualifiers ng 2021 FIFA World Cup at 2023 AFC Asian Cup na ginanap sa Sharjah Stadium sa United Arab Emirates.
Sa unang bahagi ng laro ay naging mahigpit ang depensa na ipinakita ng Azkals kung saan nagtapos ito ng 0-0 sa halftime.
Nakuha ng China ang unang panalo sa pamamagitan spot kick ni left winger Wu Lei sa loob ng 56th minute.
Pagdating ng 65th ay nakapag-goal si Wu Xinghan.
Huling nagharap ang dalawa ay nagtapos sa scoreless draw.
Nasa pangatlong puwesto ang Azkals sa Group A na mayroong 7 points habang nangunguna ang Syria na mayroon 21 points na walang talo sa pitong laro at pangalawa ang China na mayroong 13 points.
Susunod na makakaharap ng Azkals ang Guam sa June 11 at Maldives sa June 15.