Hinimok ng Chinese government ang mga mamamayan nitong nasa Israel na agad lisanin ang naturang bansa.
Nakasaad sa pahayag na inilabas ng Chinese embassy na nakabase sa Israel na kailangan nang umalis ang mga Chinese citizen sa lalong madaling panahon dahil sa pinapangambahang lalo pang lalalim ang epekto ng giyera sa pagitan ng Israeli Defense Forces at Lebanon-based Hezbollah na sinusuportahan din ng Iran.
Ayon sa China, nananatiling malala, kumplikado, at unpredictable ang ang sitwasyon sa border ng Israel at Lebanon na maaaring maka-epekto sa kaligtasan ng mga naninirahan sa dalawang bansa.
Binalaan ng Chinese government ang mga mamamayan nitong bumalik na sa China o mag-tungo sa ibang mas ligtas na lugar sa lalong madaling panahon.
Nitong nakalipas na buwan ay una na ring hinimok ng China ang mga mamamayan nito na nasa Lebanon na lisanin na ang naturang bansa, kasunod na rin ng serye ng mga Israeli strike na inilunsad sa ilang bahagi ng Lebanon.