-- Advertisements --

Kasunod ng pagkaka-aresto nitong nakalipas na lingo kay Deng Yuanqing, ang pinag-hihinalaang Chinese sleeper agent na umano’y mahigit sampung taon nang namamalagi sa bansa, ipinarating ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning sa Pilipinas na tigilan na ang umano’y pagpapakalat ng ‘Chinese spy’ tag.

Hinimok ni Mao ang Philippine government na tanging katotohanan lamang ang ilabas at itigil na ang umano’y pagpapakalat sa impormasyon ukol sa Chinese spy.

Sa halip ay umapela si Mao sa pamahalaan na protektahan ang karapatan at interest ng mga Chinese national na nasa Pilipinas.

Sa kabila nito ay umapela naman ang Chinese official sa mga Chinese na nasa ibang bansa na sundin ang batas at regulasyon ng mga bansa kung saan sila naroon.

Enero-17 nang maaresto ng mga agent ng National Bureau of Investigation (NBI) at Armed Forces of the Philippines (AFP) si Deng.

Ayon sa NBI, bineberipika nito kung may basbas ang China sa mga spying at espionage activities na ginagawa ng umano’y spy.