Pinaninindigan ng China ang kanilang sovereign rights umano sa Scarborough o Panatag Shoal matapos na iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang “close distance maneuvering” incident na kinasasangkutan ng Chinese vessel sa area.
Ginawa ni Foreign Ministry spokesman Wang Wenbin kasunod nang ulat ng PCG noong Marso 2 nilapitan ng Chinese Coast Guard Vessel ang BRP Malabrigo sa karagatang palibot ng Panatag Shoal o mas kilala bilang Bajo de Masinloc.
Kasabay nito ay hinimok ni Wang ang PCG na irespeto ang claim ng China sa naturang bahagi ng karagatan salig na rin sa mga umiiral na domestic law ng Beijing at international law na rin.
Pinaiiwas din nila ang PCG sa pakikialam daw sa pagpatrol at law enfrocement ng Chinese Coast Guard sa naturang lugar.
Pero ayon kay PCG Commandant Admiral Artemio Abu, ang insidente kamakailan ay pang-apat nang napaulat na close distance maneuvering incident ng mga barko ng China sa palibot ng Panatag Shoal.
Top