-- Advertisements --
image 578

Iginiit ng Chinese Ministry of Foreign Affairs na epektibong natutugunan ang maritime dispute sa pagitan ng China at Pilipinas sa mga nakalipas na taon.

Isinagawa ni Vice Foreign Minister Sun Weidong ang naturang claim kasabay ng opening session ng ika-7 bilateral consultations mechanisms sa West Philippine Sea ngayong araw.

Ayon sa Chinese official na ang maritime issues ay isang mahalagang parte ng relasyon sa pagitan ng China at Pilipinas na hindi dapat ipagsawalang bahala.

Aniya, nagkaroon din ng progreso ang practical cooperation at mutual trust sa pagitan ng dalawang bansa.

Inihayag din ni Sun na nakahanda ang China na makipagtulungan sa Pilipinas alinsunod sa mahahalagang kasunduan sa pagitan nina Chinese President Xi Jinping at Philippine President Ferdinand Marcos Jr. at para mapalalim pa ang komunikasyon at kooperasyon sa maritime areas para sa kapakinabangan ng mamamayan ng dalawang bansa, maisulong ang development ng bilateral relations at mapanatili ang stability sa rehiyon.