-- Advertisements --

Iginiit ng China na may indisputable sovereignty ito sa Escoda shoal na tinatawag nilang Xianbin Jao maging sa mga katabing dagat nito.

Ginawa ng tagapagsalita ng Chinese coast guard na si Liu Dejun ang pahayag matapos umalis sa shoal ang barko ng Philippine Coast Guard na BRP Teresa Magbanua nitong linggo pabalik ng Puerto Princesa, Palawan dahil sa masungit na lagay ng panahon at kakapusan ng suplay.

Subalit ayon sa National Maritime Council ng Pilipinas na bumalik ang BRP Teresa Magbanua sa homeport nito nang mission accomplished.

Ang barko ng Philippine Coast Guard ay naka-angkla sa loob ng Sabina Shoal mula pa noong Abril o halos 5 buwan upang igiit ang soberaniya ng PH sa lugar at pigilan ang China na sakupin ito.