-- Advertisements --

Tiniyak ng China na kaalyado ng Russia sa European Union na kikilos ito ayon sa sarili nitong pamamaraan para makamit ang kapayapaan sa Ukraine.

Ito ang tugon ni Chinese Premier Li Keqiang sa leaders ng EU sa isinagawang EU-China virtual summit.

Umaasa naman si Chinese President Xi Jinping na tratratuhin ng EU ang China bilang isang independent.

Sa naturang virtual summit, umapela ang EU leaders sa China na tumulong na mawaksan ang giyera sa Ukraine at hindi dapat na magbulagbulagan sa paglabag ng Russia sa international law.

Magpapahaba lamang aniya sa giyera ang anumang pagtatangka na umiwas sa sanctions o magbigay ng tulong sa Russia.

Inihayag ni Li na ang China ay palaging naghahangad ng kapayapaan at nagtataguyod ng mga negosasyon at payag itong ipagpatuloy ang constructive role nito kasama ang international community.

Ayon kay European Council President Charles Michel nagkasundo ang EU at China ang giyera na tinawag ng Russia na isang special military operation ay banta sa global security at sa global economy.

Inilarawan naman ni European Commission President Ursula von der Leyen na ang trade sa pagitan ng dalawang pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo ay malayo sa economic ties na mayroon ang China sa Russia.

Aniya nasa mahigit quarter ng global trade ng China ay nasa EU at United States noong nakalipas na taon kumpara naman sa 2.4% lamang sa Russia.