-- Advertisements --

Ikinagalit ng China ang pagbibigay ng military aide ng US sa Taiwan.

Ayon sa Ministry of Foreign Affairs ng China na ang pagbibigay ng US ng tulong militar sa Taiwan ay isang maling senyales sa pagiging independent ng Taiwan.

Pagtitiyak nila na kanilang mahigpit na babantayan ang nasabing galawan at sila ay gagawa ng matinding hakbang para mapanatili ang integridad ng Taiwan.

Magugunitang bumisita sa Hawaii si Taiwanese President Lai Ching-te kung saan kasabay din nito ang pag-apruba ng US State Department ng $385 milyon na pagbebenta ng mga armas sa Taiwan.

Kasama rito ang mga spare parts at suporta sa F-16 jets at radar sa Taiwan.

Una rito ay itinuturing ng China na bahagi pa rin nila ang Taiwan.