Ikinagalit ng China ang ginawang pagbisita sa Taiwan ng tatlong US senators sa Taiwan.
Lulan pa kasi ng US military aircraft ang mga US Senators na kinabibilangan nina Tammy Duckworth, Dan Sullivan and Christopher Coons ng bumisita ang mga ito sa Taipei at nakipagpulong kay President Tsai Ing-wen.
Kasabay din ng pagbisita ng mga senador sa Taiwan ay inanunsiyo nila ang donasyon ng US ng 750,000 doses ng COVID-19.
Ayon sa Chinese Defense Ministry na ang pagbisita ng mga US Senators na lulan pa ng military plane ay tila nagpapakita ng pagkontra nila sa one-China principle.
Malinaw aniya ito na isang political provocation at pagiging irresponsable.
Itinturing kasi na bahagi pa rin ng China ang isla ng Taiwan bilang bahagi ng “one China” at kanilang kinokondina ang anumang pagbisita ng mga opisyal mula sa ibang dahil itinuturing nila itong pangingialam sa kanilang internal affairs.