-- Advertisements --
Inakusahan ng China ang US ng racial discrimination matapos na tanggalan nila ng visa ang mahigit 1,000 na mga Chinese students at researchers.
Ang nasabing hakbang ay base na rin sa naging pahayag ni US President Donald Trump na panganib ang mga ito sa seguridad.
Pinaghihinalaan din aniya ang mga ito na nagtatrabaho sa Chinese military na posibleng nagnanakaw ng mga data at intellectual property.
Nasa halos 370,000 na mga estudyante mula sa China ang naka-enroll sa mga unibersidad sa US mula 2018-2019.
Paliwanag ng state department na ang mga visas na tinanggal ay mga “high-risk graduate students at research scholars”.
Maliit lamang na bahagi lamang ang mga ito kumpara sa kabuuang bilang ng nasabing populasyon ng Chinese students.