-- Advertisements --

Inakusahan ng China ang Pilipinas na gawa-gawa lamang umano ang mga kasong pang-iispiya sa mga naarestong Chinese Nationals.

Sinabi ni Chinese foreign ministry spokesperson, Guo Jiakun, walang malinaw na ebidensiya ang mga otoridad ng Pilipinas kaya hinikayat nito ang gobyerno na protektahan ang Chinese na nasa bansa.

Dapat rin aniya na tigilan na ng Pilipinas ang pag-akusa sa China ng walang anumang ebidensiya at idaan sa tama ang paghawak sa kaso ng mga sangkot na Chinese citizen.

Gaya aniya ng pagkakahuli rin ng tatlong Pinoy sa China na nang-iispiya ay dadaan ang mga ito sa proseso na ibinabanggit ng batas.

Magugunitang ilang Chinese nationals ang naaresto noong nakaraang mga buwan dahil sa pang-iispiya kung saan ito ay ikinabahala na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos.