-- Advertisements --
Inakusahan ng China ang US na sumisira raw sa katahimikan sa Taiwan Strait.
Kasunod ito nang paglayag ng US warship na Arlegh Burke-class guided missile destroyer USS Curtis Wilbur sa karagatan na humihiwalay sa Taiwan at China.
Paliwanag naman ng US Navy, nagsasagawa lamang ang mga ito ng regular na pag-iikot sa nasabing lugar.
Dagdag pa ng US, patuloy ang kanilang paglayag at pag-operate kung saan basta ito ay naaayon sa international laws.
Kinondina naman ng tagagpagsalita ng Eastern Theater Command ang nasabing hakbang na ito ng US.
Sinabi nito na ginugulo lamang umano ng US ang sitwasyon sa lugar.