-- Advertisements --
Inalmahan ng China ang naging akusasyon ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) na sila ang tumulong sa Russia sa giyera nila sa Ukraine.
Ayon kay Chinese foreign minister Wang Yi na walang basehan ang nasabing akusasyon.
Dagdag pa nito na hindi niya tinatanggap at maging ang China ay hindi tatanggapin ang nasabing akusasyon.
Magugunitang direktang inakusahan ng NATO ang China na siyang nangungunang taga-suporta ng Russia laban sa Ukraine.
Nanawagan din ang NATO na dapat tigilan na ng China ang pagbibigay ng armas at suporta sa Russia.