-- Advertisements --

Inakusahan ng China na “political provocation” ang ginawa ng US na isara ang kanila ng consulate sa Houston, Texas.

Sinabi ni Chinese foreign ministry spokesman Wang Wenbin na hindi makatarungan ang desisyon na ito ng US.

Ang nasabing pahayag ay nagbunsod ng makita ang ilang indibidwal na nagsusunog ng mga dokumento sa bakuran ng gusali.

Magugunitang ipinag-utos ni US Secretary of State Mike Pompeo na isara ang konsulada ng China sa Houston dahil sa alegasyon ng pagnanakaw ng intellectual property.

Naging mainit ang relasyon ng US at China matapos na akusahan mismo ni US President Donald Trump ang China na sila ang nagpakalat ng coronavirus.