Inanunsiyo ng China na maglulunsad ito ng live firing exercises sa Taiwan Strait ngayong Martes, Oktubre 22.
Ito ay ilang araw matapos dumaan sa naturang lugar ang mga barkong pandigma ng Amerika at Canada at kasunod ng kamakailang military drills ng China.
Sa anunsiyo ng Maritime Safety Administration (MSA) sa southeastern city ng Pingtan, isasagawa umano ang gun firing sa limitadong lugar malapit sa Chinese mainland coast at nasa 105 kilometers mula sa self-ruled island na Taiwan.
Nag-abiso din ang ahensiya na ipagbabawal ang mga barko na pumasok sa lugar kung saan isasagawa ang live firing, saklaw ang 150 square kilometers na magtatagal ng 4 na oras mula 9am local time.
Hindi naman nito tinukoy kung ang Chinese force ang magsasagawa ng live firing o kung ano ang layunin nito.