-- Advertisements --

Sinuspinde ng China ang pag-import ng baboy mula sa dalawang Canadian companies dahil umano sa lalong lumalalang diplomatic dispute sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon kay Agriculture Minister Marie-Claude Bibeau, hindi pa nito natatanggap ang opisyal na sulat mula sa China patungkol sa permit suspension at hindi niya rin nilinaw kung anong kumpanya ang sangkot dito.

Maaari raw na administratibo lang ito kung kaya’t titingnan nila ng mabuti ang nasabing isyu. Wala rin itong maisip na dahilan upang suspendihin ang permit.

Gayunpaman, isang dokumento ang pinost sa website ng China’s General Administration of Customs noong April 30 kung saan nakalagay dito na suspendido ang permit ng dalawang kumpanya na Olymel LP at Drummond Export.

Kinumpirma naman ni Olymel LP spokesman Richard Vigneault na ang planta ng kumpanya sa Red Deer, Alberta ay tinanggal upang makapag ecport ito ng baboy sa China. Hindi niya rin umano alam ang dahilan sa likod ng suspensyon.

Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang Canada at China noong Disyembre nang arestuhin ng mga otoridad ang Huawei Technologies Co Ltd Chief Financial Officer Meng Wanzhou. Simula noon, dalawang Candians na ang inaresto ng China at itinigil din nito ang pag-import ng canola mula sa dalawang Canadian companies.

Una ng nagpahayag ang gobyerno ng Canada na handa itong magbigay ng tulong pinansyal para sa mga canola farmers na naapektuhan ng pag-ban ng China sa cqanola at nangakong titingnan nila ang kanilang magagawa upang ikalat ang kanilang produkto sa merkado.

Saad naman ni Canadian Food Inspection Agency na may ilang Canadian pork shipments sa China ang na-delay dahil gumamit umano ang mga exporter ng outdated forms kung saan nakapasa raw ang mga cargo na ito sa requirements ng China.

Ang nasabing permit suspension ay dala na rin daw ng problema sa mga papeles kahit na parehong usapin na ito tulad noon, ayon ito sa spokesman ng Canadian Pork Council na si Gary Stordy.

Parehong naka base sa probinsya ng Canada ang Olymel at Drummond. Mayroong 13,000 trabahador ang Olymel at nag-eexport ito ng baboy at manok sa halos 65 na bansa.

Noong 1984 naman nang itinayo ang Drummond at nag-eexport naman ito ng kanilang mga produkto sa 30 bansa.

Pangatlo ang Canada sa pinaka-malaking pork exporter sa buong mundo. Samantala, pinaka-malaking global producer at consumer naman ng baboy ang China.