-- Advertisements --

Itinaas na sa China ang red alert dahil sa banta ng malakas na bagyo na hanna o typhoon Lekima na nanggaling sa Pilipinas.

Inaasahang magla-landfall ang bagyo bukas sa Zhejiang province ng China.

Inabisuhan na rin ang libu-libong mga nasa coastline ng Shanghai na maghanda sa evacuation.

Sa ngayon nananalasa ang super typhoon sa bahagi ng eastern Taiwan kung saan nagdulot din ng kanselasyon ng mga klase at biyahe ng eroplano.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 190km/h (120mph).

Nagsuspinde rin ang ilang biyahe ng kanilang train service at pagkawala ng suplay ng koryente sa halos 50,000 mga kabahayan.

Maging ang bahagi ng south-west Japan ay naapektuhan din ng malalakas na ulan at hangin na dala ng bagyong Lekima.