-- Advertisements --
Patuloy pa rin ang pagpapalakas ng China ng puwersa armada nang pormal na inilunsad ang kanilang bagong amphibious assault ship.
Sinasabing ang bagong Navy ship ay magpapalakas din daw sa kanilang coastal warfare capabilities.
Ayon sa People’s Liberation Army’s English language website ang barko ay pormal na pinalutang sa shipyard sa Shanghai.
Ito ang unang Type 075 class na amphibious assault ships ng China pero wala pang inilabas na pangalan.
Sinasabing ang ganitong uri ng barkong pandigma ay mistulang maliit na aircraft carriers.
Bagamat walang ibinigay na detalye ang China, kaya raw ng bagong barko na magkarga ng ilang dosena na mga aircraft tulad ng helicopters, daan dang mga ground troops, behikulo at mga equipment.