Iniulat ng China ang biglang malakihang pagtaas ng kaso ng COVID19 sa mga ospital sa isang linggo hanggang Enero 15 mula noong nagsimula ang pandemya, ayon sa ulat ng World Health Organization.
Gayunpaman, sinabi ng World Health Organization na hinihintay nito ang detalyadong data ng bansa sa halos 60,000 na karagdagang pagkamatay sa ospital na nauugnay sa COVID19 na iniulat ng China noong nakaraang linggo at hindi isinama ang mga ito sa kanilang tally.
Batay sa data na isinumite ng Beijing, ang bilang ng mga taong naospital na may sakit sa China ay tumaas ng 70% sa 63,307 kumpara sa mga nakaraang linggo.
Ito ang pinakamataas na lingguhang bilang na naiulat ng China mula noong unang lumitaw ang COVID-19 mahigit tatlong taon na ang nakararaan.
Kung matatandaan, noong unang bahagi ng Disyembre, biglang tinapos ng Beijing ang mahigpit nitong mga restricitions at lockdown pagkatapos ng malawakang mga protesta noong huling bahagi ng Nobyembre, at mula noon ang mga kaso ay tumaas sa buong bansa.