-- Advertisements --

BEIJING – Isasara ng China ang chemical industry park kung saan nangyari ang isang pagsabog noong nakaraang buwan na kumitil sa buhay ng 78 katao at nag-iwan ng ilang daang sugatan.

Ang pagsabog na ito sa Yancheng city ay marahil isa sa mga pinakamalalang industrial accidents sa bansa sa nakalipas na mga taon.

Ang desisyon na ipasara ang Xiangshui Chemical Industry Park ay nabuo ng lokal na pamahalaan noong Huwebes ayon sa ulat ng state broadcaster CCTV.

Bukod dito, nakatakda ring simulan ng probinsya ang pagpapasara sa mga chemical plants sa lugar.

Ayon sa mga otoridad, nasa 187 katao na sugatan sa nangyaring pagsabog ay nananatili pa rin hanggang sa ngayon sa ospital, kung saan dalawa rito ay nasa kritikal na kondisyon.

Samanatala, nakakulong pa rin hanggang sa ngayon ang tatlong empleyado ng Jiangsu Tianjiayi Chemical kasunod ng naturang pagsabog.

May malaking responsibilidad daw ang mga ito sa nangyaring aksidente, ayon na rin sa naging pahayag ng Yancheng government.