Ipagpapatuloy ng China ang pagbibigay ng ordinary visa para sa mga Japanese Citizen kahit na naghigpit ang Japan mula sa mga traveller mula China, dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon sa Chinese Embassy ipagpapatuloy nila ang pagpapalabas dahil nakatutok ang kanilang bansa sa pagbawi ng ekonomiya dahil na rin sa sunod sunod na pag-lockdown bago magtapos ang 2022.
Matatandaan na ang Beijing ay huminto rin sa pagbibigay ng mga visa sa mga mamamayan ng South Korea. Inaprubahan naman ng China ang pagbibigay ng ilang uri ng visa sa mga Japanese at South Korean citizen bilang mga exception na ginawa para sa mga diplomat, opisyal ng gobyerno at mga negosyante sa kanilang bansa.
Samantala ang lahat ng mga manlalakbay mula sa mainland China at ang mga bumisita sa bansa sa loob ng pitong araw ay kinakailangang kumuha ng PCR o high-sensitivity antigen test pagdating sa Japan. Ang mga nagpositibo ay dapat mag-quarantine sa isang itinalagang pasilidad nang hanggang pitong araw.
Sa ngayon, ang bilang ng mga bagong kaso ay bumagsak sa 15,000 mula noong nakaraang Lunes. Humigit-kumulang 80% ng 1.4 bilyong populasyon ng bansa ang nahawahan na.