-- Advertisements --
Ipinakita na ng China sa unang pagkakataon ang ginawa nilang bakuna laban sa coronavirus.
Isinagawa ang pagdisplay ng Chinese companies na Sinovac Biotech at Sinopharm sa isang trade fair sa Beijing.
Ayon sa Sinovac, natapos na nila ang vaccine factory na kayang gumawa ng 300 million na bakuna kada taon.
Magugunitang umaani ng kritisismo mula sa ibang bansa ang China dahil sa umano’y maling paghawak nila ng COVID-19 pandemic.