Isinapubliko na ng China, sa unang pagkakataon ang umano’y unwritten 2016 agreement nito sa Pilipinas kaugnay sa pag-access sa West Philippine Sea.
Sa isang pahayag mula sa Embahada ng China sa Maynila, nakasaad na ang “temporary special arrangement” na pinagkasunduan sa panahon ng pagbisita sa Beijing ni dating pangulo Rodrigo Duterte ay nagpapahintulot ng small scale fishing sa paligid ng mga isla pero ipinagbabawal ang access ng militar, coast guard, at iba pang official planes at barko sa 12 nautical mile (22 kilometer) limit ng territorial waters.
Sa pahayag, iginalang umano ng Pilipinas ang kasunduan sa nakalipas na pitong taon pero hindi na ngayon kaya naman napilitan ang China na gumawa ng aksyon.
Batay pa sa naturang statement na tinutukoy ang aksyon ng Pilipinas, “This is the basic reason for the ceaseless disputes at sea between China and the Philippines over the past year and more,”.
- Posibleng mga sundalong Chinese ang lulan sa mga militia vessels na nagpapanggap na mga mangingisda – PCG
- US, inihayag na nakakasira sa kapayapaan sa rehiyon ang makailang ulit na pangha-harass ng China sa mga barko ng PH sa WPS
- Chinese Foreign Ministry, nanindigang nagkasundo ang PH at China sa new model, internal understanding, at gentleman’s agreement sa Ayungin shoal matapos itanggi ng senior officials ng PH
Itinanggi naman nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Duterte ang anumang kasunduan na ipinagkakaloob ang kalayaan o karapatan sa soberanya ng Pilipinas sa Tsina. Sakaling mapatunayan naman na may ganitong aksyon,ay maaaring maging impeachable offense naman ito sa ilalim ng 1987 constitution ng Pilipinas.
Ani Duterte, hindi siya pumasok sa anumang kasunduan sa Beijing na ikakapahamak ng teritoryo ng Pilipinas. Gayunpaman, inamin nito na nagkasundo sila ni China President Xi Jinping na panatilihin ang “status quo” sa pinag-aawayang karagatan para maiwasan ang digmaan.
Nang tanungin naman si Duterte kung pumayag siya na hindi magdadala ng construction materials para pagtibayin pa ang Philippine military ship sa Ayungin Shoal, sumang-ayon si Duterte at parte umano ito ng pagpapanatili ng status quo pero wala umanong written agreement hinggil dito.