Itinaboy ng China sa pamamagitan ng paggamit ng flares ang mga eroplano ng Armed Forces of the Philippines sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Lt. Col. Bill Pasia, ang Palawan-based Western Command, na limang beses itong ginawa ng China sa kanilang Chinese outpost sa WPS.
Dagdag pa nito na ginamit umano ng China ang mga pyrotechnics signals o flare warnings sa mga intelligence, surveillance and reconnaissance team.
Galing umano sa mga outpost ang flares na gaya ng Chigua, Calderon, Burgos at Mabini.
Nakatanggap din sila ng mahigit 200 na radio warnings mula sa China habang sila ay nagpapatrolya sa WPS.
Magugunitang hindi sinusunod ng China ang naging desisyon ng International court noong 2016 na sakop ng Pilipinas ang inaagaw nilang nine-dash line sa WPS.