-- Advertisements --

Itinanggi ng China na nagsasagawa sila ng reclamation activities sa Escoda shoal sa West Philippine Sea kasunod ng mga ulat mula sa Philippine Coast Guard na nagtatayo ito ng artificial island sa lugar.

Sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesman Wang Wenbin na ang akusasyon ng PH ay purong tsismis lang umano at iresponsableng alegasyon para siraan ang China at i-mislead ang international community.

Inihayag din ng Chinese official na wala umanong nagtagumpay sa pagtatangka ng PH na magpakalat ng tsismis.

Samantala, una ng sinabi ni PCG spokesman Jay Tarriela na nag-deploy sila ng kanilang barko sa shoal na isang meet-up point para sa mga barko na nagdadala ng resupply missions sa isinadsad na BRP Sierra Madre para mapigilan ang China mula sa reclamation activity nito.

Ito ay matapos madiskubre ng PCG ang tambak na patay at durug-durog na coral sa sanbars ng Sabina shoal.

Sinabi din naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kumilos ang PCG para ideploy ang BRP Teresa Magbanua ang pinakamalaking barko nito para pigilan ang pagtatangkang reclamation activity ng China sa lugar.