-- Advertisements --
Chinese Military on Shenzen sports complex
Chinese Miliitary/ Maxar Technologies

Patuloy pa ring itinatanggi ng China na magpapadala sila ng sundalo sa Hong Kong para mapahupa ang nangyayaring kaguluhan sa lugar lalo na ang malawakang mga kilos protesta.

Kasunod ito nang pagbatikos ni US President Donald Trump na may inihahandang military forces ang China.

Malaki kasi paniwala ni Trump na anumang oras ay maaaring manghimasok ang China sa nagaganap na kaguluhan sa Hong Kong.

@realDonaldTrump
“Many are blaming me, and the United States, for the problems going on in Hong Kong. I can’t imagine why?… Our Intelligence has informed us that the Chinese Government is moving troops to the Border with Hong Kong. Everyone should be calm and safe!”

Ayon sa China, kaya raw may 100 mga military vehicles sa soccer stadium sa Shenzhen Bay Sports Center na malapit sa border ng Hong Kong ay dahil sa isasagawa ang isang military exercise.