-- Advertisements --

Itinanggi ng China na naghain ng asylum sa kanila si dating pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Chinese foreign ministry spokesperson Guo Jiakun, na walang katotohanan ang lumabas na ulat na nag-apply ng asylum ang dating pangulo noong ito ay nagtungo sa Hong Kong.

Magugunitang naaresto ang dating pangulo nitong Marso 11 pagdating nito sa bansa galing sa Hong Kong dahil sa crime against humanity na resulta ng kampanya nito sa iligal na droga.

Una ng itinanggi ng kampo ni Duterte kung saan kaya sila nagtungo sa Hong Kong ay para pasalamatan ang mga supporters nila doon.