-- Advertisements --

Dumepensa ang China sa akusasyon na nagbenta umano nito ng mga armas sa Russia para gamitin laban sa Ukraine.

Sinabi ni Chinese Foreign Minister Wang Yi s na hindi ugali ng China magdagdag pa ng apoy sa mga nagaganap na kaguluhan sa dalawang bansa.

Isinagwa nito ang pahayag sa Munich Security Conference kung saan nananatiling nasa gitna lamang ang China at ito ay namamagitan sa mga manlalaro.

Magugunitang ibinunyag ng US na nagbenta ang China ng mga kagamitan at teknolohiya sa Russia para magamit sa paglusob nito sa Ukraine.

Ayon naman kay Ukrainian Foreign Minister Dmytro Kuleba na kaniyang nakausap si Wang at nagkasundo sila na magkaroon ng magandang relasyon ang China at Ukraine.