-- Advertisements --

Dineklara ng Beijing na nais nilang muling ipagpatuloy ang ugnayan ng China at Amerika sa susunod na taon.

Ito ay kahit pa sino man kina US President Donald Trump at Democratic nominee Joe Biden ang mananalo sa halalan sa susunod na buwan.

Ayon kay Ryan Manuel, managing director ng Official China na kailangang ipursige ni Chinese President Xi Jinping ang nasabing hakbang dahil ito ay kaniyang personal na responsibilidad.

Sa ngayon, “wait and hold” muna ang bansa lalo pa’t nalalapit na ang US election.

Kikilos lamang sila base sa eksaktong proporsyon na ginagawa ng Amerika.

Kapag natapos na aniya ang halalan, sisimulan na nila ang kanilang magiging hakbang.

Kung maalala, ang ugnayan ng China at US ay nakakaranas ng matinding hamon na bihirang nakita sa nakaraang 41 taon ng diplomatikong ugnayan.

Seryoso daw na nasira ang pangunahing mga interes ng mga Tsino at mamamayan ng Amerika. (with reports from Bombo Jane Buna)