-- Advertisements --
Nakakuha ng kakampi ang Russia sa paghihikayat nilang dapat ay huwag ng sumali pa ang Ukraine sa US-led NATO military alliance.
Sa pakikipagpulong ni Russian President Vladimir Putin kay Chinese President Xi Jinping sa Beijing ay naniniwala na ginagawang pangingialam ng US ay siyang nakakasira ng seguridad sa mga bansa.
Kapwa nagkasundo ang dalawang opisyal na dapat itigil na ang pagpapalawig pa ng NATO Forces sa lugar at nanawagan din ang mga ito sa North Alliance na tanggalin na ang ideological approches ng Cold War Era.
Magugunitang naglagay ng mahigit 100,000 na sundalo ang Russia sa border nila ng Ukraine na ikinabahala ng US at mga kaalyadong bansa nito.
Mariing itinanggi ng Russia ang alegasyon na kanilang lulusubin ang Ukraine.