Kinondina ng Chinese government ang ginagawang kilos-protesta ng pro-democracy protesters sa Hong Kong.
Tinawag na ang ginawa ng mga protesters ay isang uri ng “evil and criminal acts” na nakasira sa reputasyon ng Hong Kong.
Sinabi ni Hong Kong and Macau Affairs Office (HKMAO) spokesman Yang Guang, na dapat malaman ng publiko sa Hong Kong kung gaano ka-grabe ang ginawa ng mga nagpoprotesta.
Tiniyak ng Chinese government ang matibay na suporta nila sa namumuno ng Hong Kong at nanawagan sila na arestuhin ang mga nasa likod ng nagsasagawa ng kilos protesta.
Isinagawag ng Chinese government ang intervenion ng sirain ng mga protesters ang highly symbolic national emblem sa Chinese goverment liaison office sa Hong Kong.
Nauna rito napilitang gumamit ng tear gas at rubber bullets ang mga Hong Kong police laban sa mga protesters matapos na pilit nilang makalapit sa opisina ng gobyerno.