-- Advertisements --
Ibinunyag ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na tinangka ng China na kontrahin ang pag-aaral sa US-Philippines 1951 Mutual Defense Treaty (MDT).
Sinabi ng kalihim na isang dating Chinese ambassador to Manila ang lumapit sa kaniya at inilabas ang nasabing usapin.
Walang naging problema aniya ito sa US at tanging ang China lamang umano ang komontra.
Hindi naman na binanggit ni Lorenzana ang sinasabi nitong Chinese official.
Magugunitang hiniling ng Pilipinas ang pag-aaral muli ng MDT sa US noon pang 2018 para sa pagpapalakas ng depensa sa Pacific-region.