-- Advertisements --
Hindi sinang-ayunan ng China ang panawagan ng World Health Organization (WHO) na magsagawa muli sila ng imbestigasyon sa pinagmulan ng COVID-19.
Sinabi ni Chinese vice foreign minister Ma Zhaoxu na isang uri ng pamumulitika na ang ginagawa ng WHO.
Nararapat na gumawa na lamang sila ng scientific tracing imbes na political tracing.
Dapat na sundin pa rin ng WHO ang naunang inihayag na mga eksperto na nagmula sa paniki ang virus at ito ay nailipat sa tao at hindi ang hinala na nagkaroon ng chemical leak sa isang laboratoryo sa Wuhan, China.
Magugunitang muling nanawagan ang WHO sa China ibigay ang ilang detalye sa pinagmulan ng virus matapos na hindi nagbigay ng mga impormasyon sa mga WHO experts na nagtungo sa Wuhan noong Enero.